^

Metro

26 suspek sa cybercrime, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 26 katao sa kanilang isang linggong operasyon mula Agosto 3 hanggang 9.

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen Bernard Yang, 18 sa mga naaresto ay dahil sa isinagawang entrapment operation habang ang walong iba pa ay mga wanted persons sa iba’t ibang kaso ng cybercrime.

Bukod dito, nakasagip din ang PNP-ACG ng 1 biktima habang 2 indibidwal ay na-convict dahil sa ­cybercrime related na kaso.

Samantala sa kabuuang 22 cyber warrants na isinagawa, nagresulta ito ng pagsasampa ng 34 na kaso at 15 inquest proceedings.

Nakapagsagawa din ang PNP-ACG ng 357 cyber patrolling o online monito­ring sa loob ng 1 linggo gayundin ang 18 digital forensic examinations.

Ang mga pinaigting na operasyon ayon pa kay Yang ay bunsod na rin sa kautusan ni PNP chief General ­Nicolas Torre III na lipulin ang mga cyber criminals na naglipana online.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with