^

Metro

2 suspek sa pamamaril sa HPG, tukoy na

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa pamamaril sa HPG, tukoy na
Ayon kay HPG spokesperson PLt. Nadame Malang, nagsasagawa na ng manhunt operations ang pulisya laban sa dalawang suspek na bumaril at tumangay ng alahas, cellphone at wallet ng pulis. Ang biktima ay humahawak ng mga malalaking kaso.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Tukoy na ng mga awtoridad ang da­lawang suspek sa pamamaril at pagkasugat ng isang intelligence officer ng Highway ­Patrol Group (HPG) na may kikitain sanang confidential agent sa Makati noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay HPG spokesperson PLt. Nadame Malang, nagsasagawa na ng manhunt operations ang pulisya laban sa dalawang suspek na bumaril at tumangay ng alahas, cellphone at wallet ng pulis. Ang biktima ay humahawak ng mga malalaking kaso.

Lumilitaw na nagtungo ang biktima sa isang carwash sa pa­nulukan ng Edison at Faraday Sts. sa Brgy. San Isidro, Makati City, nang biglang lapitan at barilin ng riding-in- tandem. Nagtamo ng walong tama ng bala ng baril sa katawa ang biktima.

“Ito pong scenario po na ito ay preparation po niya para kitain sana ‘yong atin pong isang confidential agent para po sa kanyang hinawakan po na case operational plan. Kaso nga lang po hindi nangyari na ito’y mapuntahan gayong ito po ang sinapit po ng ating kasamahan,” ani Malang.

Kasama ng biktima ang kanyang 17-anyos na anak na nakaligtas naman sa pamamaril.

Napag-alaman na dating miyembro ng Task Force Limbas ang biktima na may hawak na mga sensitibong kaso.

Tinitignan din ng HPG ang posibilidad na maaaring work-related ang motibo ng pamamaril.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with