^

Metro

Sink hole malapit sa Villamor Air Base, nadiskubre

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sink hole malapit sa Villamor Air Base, nadiskubre
H i n d i madaanan ng mga mo torista ang Sales Road malapit sa V i l l a m o r A i r B a s e Gate 3, sa Pasay City matapos na magkaroon n g m a l a king sink hole. Agad na sinipsip ang tubig sa sink hole ng MMDA kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nag-abiso kahapon ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa mga motorista kaugnay sa malaking butas o sink hole sa gitna ng kalsada, sa  Sales Road, malapit sa Villamor Air Base-Gate 3, bahagi ng Pasay City.

Bandang alas-2:30 ng hapon nang lagyan na ng orange barriers at cones upang hindi na madaanan ng mga motorista.

Ayon sa ulat, alas- 6:00 pa lang ng umaga nang mapansin ang butas na unti-unting bumigay at nagkaroon ng tubig.

Isinara pansamantala ang dalawang lanes habang isinasaayos naman ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng malaking butas sa lugar.

Ipinahigop naman ang malinaw na tubig na lumalabas sa hinihinalang butas ng tubo ng isang water concessionaire, at tumulong naman ang Skyway Management.

Tinatayang nasa 10 talampakan ang lalim ng butas na may mga crack sa paligid.

Nakipag-ugnayan na rin ang DPWH sa MMDA para sa rerouting ng mga sasakyan.

Ang ilang barangay naman ang nakaranas ng mahina hanggang sa walang tulo sa kanilang gripo. Nangako naman ang Maynilad na magra-rasyon sila ng tubig hanggang alas-10:00 ng gabi.

vuukle comment

METROPOLITAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with