^

Metro

600 bikers lumahok sa Marikina Day Bike Fest

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na tinatayang nasa 600 siklista ang nakiisa sa idinaos na 394th Marikina Day Bike Fest sa lungsod kahapon.

Ayon kay Teodoro, ang pinakamatandang kalahok ng naturang bike fest ay nagkaka-edad ng 89 na residente ng Barangay Concepcion Dos.

“Based on the registration of participants, the ­oldest cyclist who joined was Oscar Gomez, 89 years old. There were also some children who participated in the 394th Marikina Day Bike Fest,” anang alkalde.

Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang dumagsa ang mga bi­kers sa bicycle parade at race, paikot sa Marikina City. Sinundan ito ng bicycle exhibition sa Marikina Freedom Park at nagpa-raffle ang pamahalaang lungsod ng mga bisikleta at bike equipment para sa mga kalahok habang nagkaloob ng special awards sa mga bikers.

Kasabay nito, inanunsyo na rin ni Teodoro ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lungsod bukas, Martes, Abril 16.

Sa abiso ni Teodoro, ang naturang araw ay oobserbahan bilang “special working holiday” sa lungsod, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 349th Foundation Day ng Marikina City.

vuukle comment

MARCELINO “MARCY” TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with