^

Metro

2-araw na malawakang tigil-pasada, ikinasa

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2-araw na malawakang tigil-pasada, ikinasa
Motorists and commuters experience heavy traffic along the southbound lane of Kamuning and the westbound lane of Philcoa in EDSA, Quezon City as work resumes on April 1, 2024.
Michael Varcas

Protesta sa no extension sa franchise consolidation

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng dalawang araw na malawakang tigil-pasada ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) at grupong manibela  bilang protesta sa deadline sa PUV consolidation kaugnay sa mo­derization program ng pamahalaan.

Nabatid na magsisimula ang transport strike sa Lunes, Abril 15, at magtatagal hanggang sa Martes, Abril 16.

Ayon kay PISTON national president Mody Floranda, nananatiling mahigpit ang pagtutol nila sa naturang PUV consolidation.

Paliwanag pa niya, hindi naman sila tutol sa modernisasyon, kundi sa consolidation lamang

“Ang nilalabanan po namin ay ‘yung franchising consolidation, hindi po ‘yung mo­dernization. Malinaw ang ating posisyon sa ilalim ng modernization ay dapat sa ilalim ng rehabilitation,” ayon pa kay Floranda.

Kinukwestiyon din ni Floranda ang pagbawi sa kanilang prangkisa para ibigay umano sa malalaking korporasyon.

“Ang sinasabi nila sa ilalim ng modernization, ang gusto lang nilang ayusin ay ‘yung ating mga sasakyan pero bakit kailangan nilang bawiin o ­kumpiskahin ‘yung ating mga lehitimong prangkisa para pahawak sa malala­king corporation ‘yung ating franchise,” aniya pa.

Una naman nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na niya palalawigin pa ang April 30 deadline para sa consolidation.

Matatandaang taong 2017 pa nang simulang isulong ng pamahalaan ang PUVMP.

Layunin nitong palitan ang mga kasaluku­yang jeepneys na hindi na road worthy, ng mga sasakyang mayroong Euro 4-compliant engine upang mabawasan ang polusyon at ang unang bahagi nito ay ang PUV consolidation.

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with