^

Metro

170 piraso ng UXO, nadiskubre sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng mga manggagawa sa isang construction site sa Brgy. Manggahan sa Pasig City ang nasa  170 piraso ng unexploded ordnance (UXO), nabatid kahapon.

Ayon kay PCol. Gideon Ines, Deputy Chief ng Pasig City Police, ang mga UXO ay nadiskubre ng mga backhoe operator, habang naghuhukay sa isang construction site ng isang condo building noong Martes.

Sinisimulan pa lang umano ang proyekto at naghuhukay ang contractor nang madiskubre ang mga UXO noong Setyembre 15 ngunit Setyembre 19 lamang nang inireport ito sa pulisya.

Kaagad namang ikinustodiya ng regional headquarters ng explosive unit sa Bicutan ang mga UXO at maghahanap pa ng lugar kung saan maaaring pa­sabugin ang mga ito.

Noong Huwebes ng umaga naman ay may 30 UXO na nadiskubre na kinuha lamang nitong Biyernes. 

vuukle comment

CONSTRUCTION SITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with