^

Metro

6 pulis-Navotas ‘no-show’ sa preliminary investigation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 pulis-Navotas �no-show� sa preliminary investigation
A man pays his last respects to 17-year old Jerhode Jemboy Baltazar in his wake in Navotas City on August 11, 2023.
The STAR / Miguel de Guzman

Sa insidente ng ‘mistaken identity’

MANILA, Philippines — Bigong humarap sa  piskalya ang  anim na pulis ng Navotas City na sangkot sa pagpatay kay Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar na biktima ng ‘mistaken identity’.

Nabatid na tanging ang mga abogado lamang nina P/Executive Master Sergeant Roberto Balais, P/Staff Sergeant Gerry Maliban, P/Staff Sergeant Antonio Bugayong, P/Staff Sergeant Nikko Esquilon, P/ Corporal Eduard Blanco at Pat. Benedict Mangada, ang nagtungo sa prosecutors office sa unang  preliminary investigation.

Nahaharap ang  anim na pulis sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ngunit ayon kay Atty. Ansheline Bacudio, abogado ng pamilya Baltazar na ilalaban nila na maitaas sa murder ang  kaso laban sa anim na pulis.

Handa naman ang  saksing si ‘Tony’ na ilahad sa piskalya ang tunay na nangyari sa police operation  hanggang sa mapatay si Baltazar.

Matatandaan na noong Agosto 2 ay napatay si Baltazar habang naghahanda na sanang mangisda nang pagbabarilin ng mga pulis sa Barangay NBBS Kaunlaran makaraang mapagkamalang suspek na tinutugis nila sa isang follow-up operation.

Kahapon ay hinatid na sa kanyang  huling hantungan si Baltazar sa La Loma Cemetery sa Caloocan City.

Suot ng pamilya at kaibigan  ni Baltazar ang puting T-shirt na may  pahayag na “Justice for Jemboy”

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na hindi lisensya para sa mga pulis na barilin si Jemboy Baltazar kahit ito pa ay sangkot sa anumang krimen.

Reaksiyon ito ni Fajardo sa ilang alegasyon na binalak umano ng grupo ni Baltazar  na holdapin ang kanilang kapitbahay at pagiging  jumper boys o mga umaakyat sa mga truck na may kargang kalakal sa North Bay Boulevard malapit sa pier.

vuukle comment

GERRY MALIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with