P19 milyong shabu nadiskubre sa inabandonang bagahe sa NAIA
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P19 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs sa NAIA terminal 1.
Ayon Kay Customs District Collector Atty. Yasmin Mapa, isang abandonadong bagahe sakay ng PAL flight PR-737 mula Bangkok via Addis Ababa.
Natuklasan na ang bagahe ay naglalaman ng nasa 2.8 kilo ng shabu.
Natuklasan ang laman ng bagahe ni Norman Penaflor, x-ray operator ng idaan ito sa x-ray machine ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 1.
Puno ito ng mga damit, bag, at pants at isiningit din sa loob ang range tool’s at ang 2.8 kgs na ilegal na droga.
Naiturn-over na ng Bureau of Customs sa NAIA-PDEA para sa karagdagang imbestigasyon.
- Latest