Wanted na Koreano, nasabat sa NAIA
MANILA, Philippines — Naharang ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) intelligence group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pusakal na Korean national sangkot sa multi milyong tele communication fraud sa kanyang bansa.
Sa ulat na pinadala kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang suspect ay si Ko Daeyun, 31, na nasabat sa NAIA Terminal 3.
Nabatid na pasakay na sana ng Cebu Pacific flight papuntang Seoul ang dayuhan nang arestuhin ito ng mga operatiba ng BI border control and intelligence unit (BCIU) sa airport.
Nabuko si Ko ng makita sa BI’s watchlist na ito wanted foreign fugitive.
Si Ko ay inakusahan ng Korean government na miyembro ng telecommunications fraud syndicate.
Nakapanloko ng milyun-milyong halaga sa kanyang mga naging biktima.
Nakakulong na si Ko sa BI detention facility, Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naka- pending ang deportation proceedings nito.
- Latest