^

Metro

4 na biktima ng human trafficking, naharang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 4 na kababaihang ni-recruit ng sindikato ng human trafficking para magtrabaho bilang mga kasambahay sa Lebanon.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, tatlo sa mga biktima ang nabigyan na ng departure exit clearance ng immigration officer para makasakay ng eroplano papuntang Malaysia pero hinarang ito ng mga ahente ng BI habang papunta sa final boarding gate ng paliparan.

Isa pang babaeng biktima ang naharang papuntang Bangkok.

Sa report ni Elsie Lucero, BI Terminal Head sa NAIA T3 kay Tansingco, ang mga pasahero ay unang nagkunwaring mga turista patungo sa nabanggit na bansa pero sa huli, nadiskubreng ang kanilang huling destinasyon ay sa Lebanon para magtrabaho bilang mga kasambahay.

Sinabi pa ng mga biktima sa mga ahente ng BI na sila ay na-recruit ng isang Helen na nakilala nila sa Facebook at binigyan sila ng mga dokumento sa paglalakbay.

Ibinunyag din nila na lahat sila ay inutusan umano ng kanilang recruiter na pumila para sa clearance sa isang partikular na immigration booth. 

Sinasabing inalis sa puwesto ang IO na sinasabing nagpalusot sa mga ito.

“Walang lugar ang katiwalian sa ating ahensya. Ang agarang aksyon laban sa mga empleyado na posibleng nakikipagsabwatan sa mga sindikatong ito ay magsisilbing isang malaking hadlang sa iba na maaaring nag-iisip na sumunod,” ani Tansingco.

Ang mga biktima ng trafficking ay inilipat sa Inter-Agency Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiter. 

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with