^

Metro

Ex-PBB housemate nagharap ng multiple cyber libel vs CEO ng isang beauty line

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ex-PBB housemate nagharap ng multiple cyber libel vs CEO ng isang beauty line
Glenda Victorio

MANILA, Philippines — Kinasuhan ni  dating Pinoy Big Brother housemate Glenda Victorio ng multiple cyber libel case at unjust vexation ang may-ari ng Rosmar Skin Essentials sa Quezon City prosecutors Office kahapon.

Sa mahigit 60-pahinang complaint affidavit, sinabi ni Glenda Victorio, may-ari ng beauty line na Brilliant Skin, 25, ng Manhattan Parkview Condominium sa Cubao  na sinampahan na ng naturang mga kaso si Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials dahil apektado na ang kanyang pamilya sa paninira nito sa kanya online.

Sinabi ni  Victorio  na hindi na maganda at nakakasira na ng kanyang pagkatao ang  umanoy ‘malicious’ at ‘defamatory’ na mga patutsada ni Tan laban sa kanya  sa social media.

Ikinagalit din  ni Victorio ay ang pagdawit ni Tan sa kanyang pamilya at tila mga pagbabanta nito na ‘di umano’y below the belt na.

Anya kung humingi man ng tawad sa kanya si Tan ay hindi niya pagbibigyan dahil sa matinding epekto ng paninira nito sa kanya at sa pamilya sa social media.

 Ayon pa kay Victorio, wala siyang nalalaman na dahilan para siya ay siraan sa social media ni Tan at hindi rin niya kilala ang pagkatao ng akusado.

Sinabi naman ni Atty. Gabriel Ilaya ng Tungol Tan Fordan Law Office, abogado ni Victorio na hawak nila ang mga supesyenteng ebidensiya para maidiin sa kaso  si Tan.

Wala pang naging pahayag ukol dito si Tan.

vuukle comment

GLENDA VICTORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with