Christmas caroling puwede na sa Alert Level 2 - DILG

MANILA, Philippines — Aprub sa pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasagawa ng caroling maging sa mga bata ngayong papalapit na ang araw ng pasko.
Ayon kay DILG Usec.Jonathan Malaya wala silang nakikitang masama sa caroling ngayong umiiral na ang alert level 2 sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR)
Ayon kay Malaya, nasa open air naman ang ginagawang caroling kaya maaari na itong pahintulutan tulad ng pagbibigay ng go signal sa ibang aktibidad sa ilalim ng umiiral na alert level 2.
“Wala po tayong nakikitang paglabag sa caroling dahil alert level 2 na tayo” Sabi ni Malaya.
Inihalimbawa ni Malaya na pinapayagan nang lumabas ang mga bata, pinapapasok sa mga mall, pasyalan at kainan kaya wala siyang nakikitang masama sa caroling.
Maging ang mga videoke houses ay pinapayagan narin pero sa 50 percent na kapasidad.
Payo ni Malaya sa mga mangangaroling na observe parin ang health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
- Latest























