^

Metro

Dalawa patay sa pamamaril sa Baclaran

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dalawa patay sa pamamaril sa Baclaran
Nakilala ang mga nasawi na sina Alexan­der Pena, 38, ng Brgy. Bac­laran at si Ma. Nimfa Jacinto, 42, ng nabanggit ding barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng isang salarin na sakay ng motorsiklo habang nasawi rin ang isang babae nang tamaan ng ligaw na bala sa dibdib nitong Lunes ng gabi sa Bac­laran, Parañaque City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Alexan­der Pena, 38, ng Brgy. Bac­laran at si Ma. Nimfa Jacinto, 42, ng nabanggit ding barangay.

Kasalukuyang blang­ko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na short pants at sakay ng isang itim na motorsiklo.

Sa ulat ng Para­ñaque City Police Station, naganap ang pamamaril dakong alas-8:30 ng gabi sa kanto ng Mactan at Opeña Street sa Barangay Baclaran.  Sakay ang biktimang si Pena ng bisikleta nang bigla siyang harangin ng salarin at ilang beses na pinaputukan ng baril. Minalas na nadamay si Jacinto na tinamaan ng bala sa dibidib.

Agad na tumakas ang salarin sakay ng kanyang motorsiklo.  Dead-on-the-spot si Pena dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan habang naisugod pa sa Pasay General Hospital si Jacinto ngunit hindi na   rin umabot ng buhay.

Biniberepika rin ng mga pulis ang impormasyon na isang asset si Pena at marami nang naituro na sangkot sa ilegal na droga na nadakip ng mga pulis.

vuukle comment

BACLARAN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with