^

Metro

Menor-de-edad napatay ang bayaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Menor-de-edad napatay ang bayaw
Itinuring ang suspek na CICL o children in con­flict matapos niyang mapatay ang bayaw na si Junior Omambak Y De Vera, 25-anyos, vendor at residente rin ng naturang lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na b­i­natilyo na itinago sa pa­ngalang Rom-rom ang inaresto at nakakulong sa Manila Police District-Homicide Section makaraang mapatay niya ang kanyang bayaw sa labas ng kanilang bahay sa 717 Isla Extension, Barangay 177, Tondo, Manila kama­kalawa ng gabi.

Itinuring ang suspek na CICL o children in con­flict matapos niyang mapatay ang bayaw na si Junior Omambak Y De Vera, 25-anyos, vendor at residente rin ng naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na, bandang alas-8:00 ng gabi, bisperas ng Bagong Taon, nadatnan ni Rom-rom ang lasing na si de Vera na nagwa­wala at pinagbabato ang naha­hawakang mga gamit malapit sa kanilang bahay.

Sinabihan ng suspek ang biktima ng “Kuya bakit ka nagwawala, new year na new year”. Nagalit lalo ang biktima at ibinaling sa suspek ang kanyang galit.

Nang may makapang gunting sa lapag ang suspek ay dinampot ito at iti­narak sa dibdib ng bayaw.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima na idineklarang patay alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31.

Nakatakas ang suspek kaya nagsagawa ng follow-up operation ang Gagalangin Police Community  (PCP) hanggang mahuli ito.

vuukle comment

CICL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with