^

Metro

College stude huli sa ‘damo’ sa LRT

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 21-anyos na estud­yante ng San Beda University nang makuhanan ng isang maliit na sachet ng marijuana at drug paraphernalia nang dumaan sa inspeksiyon sa passenger entrance ng LRT-2 Legarda Station, sa Legarda St., Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 11 at 12 ng Article 2 ng Republic Act  9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na kinilalang si Kenny Pelipel, residente ng No. 2A Luarca St., Vista Verde, Executive Village, Cainta, Rizal.

Sa ulat kahapon ng  Manila Police District-Station 4, alas-5:53 ng hapon nitong Sabado nang pigilin si Duran na makasakay ng tren nang makuha ang isang sachet ng marijuana at isang glass tube pipes na may bakas pa ng bahagyang sunog na marjuana leaves habang dumadaan sa South Entrance ng nasabing istas­yon.

Nakalagay umano sa bakanteng hair wax container ang marijuana habang ang glass tube pipes ay nakuha naman sa wallet ng suspek na hindi umano idinaan sa x-ray machine. 

vuukle comment

DRUG PARAPHERNALIA

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with