^

Metro

3 tauhan ng towing firm arestado sa pangingikil

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 tauhan ng towing firm arestado sa pangingikil
Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Brig. General Bernabe Balba, ang mga naarestong suspek na sina Mario Ped, 46, umano’y ranked no. 9 sa wanted personalities ng San Juan City Police dahil sa kasong pagnanakaw at residente ng Talipapa, Mindanao Avenue; Roberto Berberio, 46, ng Holy Cross Street, Mindanao Avenue at Michael Tambo-Ong, 37, ng Carreon Village, San Bartolome, Novaliches, pawang sa Quezon City, ay kasalukuyan nang nakakulong sa San Juan City Police custodial facility.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlong tauhan ng isang towing company na inaakusahang nangingikil umano ng pera sa mga motorista kapalit nang hindi paghila ng kanilang sasakyan ang dinakip ng San Juan City Police sa loob mismo ng impounding area ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Brig. General Bernabe Balba, ang mga naarestong suspek na sina Mario Ped, 46, umano’y ranked no. 9 sa wanted personalities ng San Juan City Police dahil sa kasong pagnanakaw at residente ng Talipapa, Mindanao Avenue; Roberto Berberio, 46, ng Holy Cross Street, Mindanao Avenue at Michael Tambo-Ong, 37, ng Carreon Village, San Bartolome, Novaliches, pawang sa Quezon City, ay kasalukuyan nang nakakulong sa San Juan City Police custodial facility.

Batay sa ulat ni San Juan Police chief P/Col. Ariel Fulo, dakong alas-3:30 ng hapon nang dakpin ng tracker teams ng Station Intelligence Unit ang mga suspek sa isang operasyon na ikinasa sa MMDA Impounding Area sa Dona Julia Vargas Avenue, Pasig City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu laban sa kanila ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 160 Judge Frank Lobrigo.

Nag-ugat ang pag-aresto sa umano’y pangingikil ng mga suspek ng P1,500 laban sa isang Rafael Gandionco, matapos na illegal na i-tow at i-impound ng mga ito ang kanyang motorsiklo noong Nobyembre 3, 2017.

Ani Fulo, nagpakilala ang mga suspek na towing officers ng Fighter Towing Company, isang pribadong towing company na nag-o-operate sa Metro Manila.

Modus operandi aniya ng mga suspek na lapitan ang motoristang target biktimahin at magpakilalang towing officer ng MMDA at sabihan itong may nagawang parking violation.

Hinihingan din umano ng mga suspek ng P1,500 ang bawat biktima kapalit nang hindi paghila sa kanilang sasakyan sa MMDA office.

vuukle comment

BERNABE BALBA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with