^

Metro

Miyembro ng gun-for-hire, todas sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng gun-for-hire, todas sa shootout

MANILA, Philippines — Todas ang isang hired killer na sangkot sa iba’t ibang kaso ng murder  makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang anti-criminality  operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang napatay na suspek na si Frederick Dela Cerna, alyas “DekDek’’, 30, ng  Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay P/Supt. Alex Alberto, dakong alas- 4:10 ng madaling araw ay nagsagawa ng anti-criminality patrol operation ang kanyang mga tauhan nang makita nila ang isang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman sa kalsada Sitio Incinerator, Brgy. Bahay Toro.

Sinita ng mga awtoridad ang mga ito pero nagpulasan ng takbo sa iba’t ibang direksiyon at nagpaputok ng baril.

Hinabol ng mga pulis hanggang ma-korner si Dela Cerna na pumasok sa isang tahanan .

Kinumbinsi ng mga awtoridad na sumuko si Dela Cerna dahil napalibutan na ito pero nagmatigas ang suspect at nanla­ban pa ito na nagresulta ng kanyang kama­tayan.

Nakuha ng pulisya sa suspek ang 3 sachet ng shabu, 1 sachet ng marijuana, drug paraphernalia, at isang 9MM na baril  na may 8 bala.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na si Dela Cerna ay isang  ‘gun for hire’ na may iba’t-ibang warrant of arrest na kasong murder.

vuukle comment

HIRED KILLER

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with