^

Metro

Gasolinahan hinoldap

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Gasolinahan hinoldap
Ayon sa report na natanggap ng Muntinlupa City Police, ala-1:05 ng madaling araw nang salakayin ng dalawang kalalakihan na magkaangkas sa isang motorsiklong walang plaka ang Petron Gasoline Station sa kahabaan ng National Road, Brgy. Alabang ng naturang siyudad.

MANILA, Philippines — Isang gasolinahan ang hinoldap ng riding-in-tandem nitong Linggo sa Muntinlupa City.

Ayon sa report na natanggap ng Muntinlupa City Police, ala-1:05 ng madaling araw nang salakayin ng dalawang kalalakihan na magkaangkas sa isang motorsiklong walang plaka ang Petron Gasoline Station sa kahabaan ng National Road, Brgy. Alabang ng naturang siyudad.

Base sa report, naghihintay ng customer ang pump attendant na si Mark John Ramiro, nang biglang duma-ting ang riding-in-tandem.

Biglang tinutukan ng baril si Ramiro at nagdeklara ng holdap at inutusan itong pumasok sa cashier’s booth at tinangay ng mga suspect ang halagang tinatayang nasa P37,000 at ang isang cellular phone na nagkakahalaga ng P8,000.

Matapos ang panghohol-dap ay mabilis na tumakas ang mga suspect. Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspect.

vuukle comment

HOLDUP

PETRON GASOLINE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with