^

Metro

Metro mayors susuyuin ang mga senador sa carpooling

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Metro mayors susuyuin ang mga senador sa carpooling
Ayon kay Bong Nebrija, supervising operations officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatakdang iprisinta ng mga alkalde sa Metro Manila, na miyembro ng MMC sa mga senador ang positibo at magandang epekto ng naturang traffic scheme.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Malamang ngayong buwan na ito ay makikipag-dayalogo na ang  Metro Manila Council (MMC) sa mga senador para ilatag dito ang positibong epekto nang carpooling at pag-ban sa EDSA ng mga sasakyan na driver lang ang sakay.

Ayon kay Bong Nebrija, supervising operations officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),  nakatakdang iprisinta ng  mga alkalde sa Metro Manila, na miyembro ng MMC sa mga senador ang positibo at magandang epekto ng naturang traffic scheme.

“They will present carpooling para malaman nila that is also a kind of a traffic reduction measure needed on EDSA especially these ‘ber’ months,”  ani Nebrija

Idinagdag pa nito na nakapokus din sila  sa isinasagawang pagmamantina sa daloy ng trapiko lalo na’t sisimulan  na ang rehabilitasyon ng Old Santa Mesa Bridge, Mabini Flyover at Nagtahan Bridge.

Isa sa kanilang ginagawang hakbangin para aniya magkaroon ng traffic reduction  sa Metro Manila ay ang araw-araw na clearing operation. 

Muling pinaalalahanan ang mga motorista at commuters na makakaranas ang mga ito ng matinding trapik, dahil uumpisahan na sa Sabado (Setyembre 15) ang  rehabilitasyon sa nabanggit na mga tulay.

vuukle comment

CARPOOLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with