^

Metro

Killer ng Grab driver, nakatakas sa Pasay City jail

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Killer ng Grab driver, nakatakas sa Pasay City jail
Ayon sa warden ng Pasay City Jail na si Supt. Bernie Ruiz, nakatakas ang inmate na si Narc Delemios, 26 , miyembro ng Batang City Jail (BCJ), may kinakaharap itong mga kasong carnapping, robbery with homicide at murder sa Pasay City Regional Trial Court Branch 115.
File Photo

MANILA, Philippines — Nakatakas ang isang inmate na sangkot umano sa pagpatay sa isang Grab driver may isang taon na  ang nakakaraan matapos nitong tuklapin ang kisame ng bodega ng Pasay City Jail na nasa ikaapat na palapag, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa warden ng Pasay City Jail na si Supt. Bernie Ruiz, nakatakas ang inmate na si Narc Delemios, 26 , miyembro ng Batang City Jail (BCJ), may kinakaharap itong mga kasong  carnapping, robbery with homicide at murder sa Pasay City Regional Trial Court Branch 115.

Matatandaan, na si Delimios ay sangkot sa panghoholdap, pangangarnap at pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr., 37, ng  Tandang Sora, Quezon City noong Oktubre 26, 2017 alas-7:45 ng gabi sa harapan ng Express Payment Center sa Bonanza St., Brgy. 189, Zone 20, Pasay City.

Ayon sa report ni Senior Inspector Orlando Alicante, deputy warden ng naturang bilangguan, alas-8:05 kamakalawa ng gabi nang makatakas si Delimios matapos nitong tuklapin ang kisame ng bodega ng ika-apat na palapag ng Pasay City Jail, kung saan nakakulong ang mga miyembro ng BCJ.

Dumaan sa bubungan at lumipat sa katabing bubong ng Pasay City West High School ang naturang inmate  at tuluyang nakatakas.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga kagawad ng BJMP kontra sa puganteng si Delimios at pinuntahan nila  ang bahay ng kanyang mga magulang at asawa sa  Don Carlos St., Brgy. 148, Zone 16, Pasay City na nagbabakasakaling naroon ang naturang inmate.

Nangako naman ang pamilya ng inmate,  na makikipagtulungan sila sa paghahanap dito.

vuukle comment

PASAY CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with