^

Metro

4 Makati cops sibak: Hinuling mga drug suspect pinaghubad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 Makati cops sibak: Hinuling mga drug suspect pinaghubad
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang nasabing viral strip video na kumalat sa facebook.
File Photo

MANILA, Philippines — Sinibak na kahapon sa puwesto ang apat na pulis na nakatalaga sa Makati City Police Station matapos na masangkot sa ‘strip video’ o pagpapahubad sa mga drug personalities kabilang ang isang babae na iniinspeksyon ng mga ito ang katawan na naging viral sa social media.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang nasabing viral strip video na kumalat sa facebook. 

 “I am deeply saddened of this viral video going around in the internet of another alleged case of abuse committed by some of our personnel. Let me state this very clearly – we strongly condemn this kind of deviant bahaviour in our ranks”, pahayag ni Albayalde sa press briefing sa Camp Crame kahapon.  Kinilala naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga nasibak na parak na sina Sr. Inspector Valmark Funelas, PO1 Stephanie Limhap, PO1 Heizelle Maramag at PO1 Francis Intia; pawang ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Makati City Police.

Ang nasabing mga parak ay mapapanood sa viral video habang nagtatawanan nang paghubarin at inspeksyunin ang katawan ng mga drug suspects kabilang ang  isang babae  sa loob ng himpilan ng DEU ng Makati City Police Station na nangyari noon pang Marso  ng  nakalipas na taon pero nabulgar lamang kamakailan matapos na may mag-upload ng insidente sa facebook.

Samantala, humarap kahapon ang babaeng nasa viral video na naghubot-hubad para linawin na hindi siya drug suspect at nag-demo lamang siya sa harap ng mga pulis na naganap sa  tang­gapan ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police noong nakaraang taon.

Iniharap nina Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. at Makati City Police Chief Senior Supt. Rogelio Simon ang babae na nakilala sa “alyas Andrea” sa isang press briefing kahapon.

Nakatakip ang mukha nang iprisinta si Andrea kung saan inihayag nitong hindi siya pinaghubad at hindi siya drug suspect.

Ayon dito ay binayaran siya ng P2,000 para sa live demonstration ng mga tauhan ng SDEU kung paano kapkapan at hanapan ng droga sa katawan ang isang babae.

Paglilinaw nito, na kung kayat aniya sa nakitang vi-deo ay siya ang tumuwad at ipinakita ang pwerta habang hawak siya ng isang policewoman at tumatawa habang nanonood ang hepe ng DEU at tatlong lalaking pulis.

Sabi nito kaya lamang niya ito tinanggap dahil sa gipit     siya kaya pumayag na magdemo pero may usapan sila  na walang kukuha ng video.

Habang isinasalaysay ni Andrea ay napaluha ito at pati ang pagkalat ng video dahil sa inilagay siya sa kahihiyan at ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya. (Lordeth Bonilla)

PNP CHIEF P/DIRECTOR GENERAL OSCAR ALBAYALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with