^

Metro

Public schools sa San Juan, walang pasok ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni San Juan City Mayor Guia Gomez na walang pasok ngayong araw ng Lunes ang mga estudyante mula sa pre-school hanggang senior high school sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang anunsiyo ay isina­gawa ni Mayor Gomez, bunsod ng pagdiriwang ng lungsod ng kanilang kapistahan kahapon.

Sinabi ng alkalde, ang suspensiyon ng klase ay bilang pagbibigay konsiderasyon sa mga estudyante at mga propesor nila na ilang linggo ring naghanda at nagpraktis para sa mga natatanging performance na ipinamalas nila sa Wattah! Wattah Festival! activities, na idinaos sa San Juan Ele­mentary School kahapon.

Ang naturang festival, o mas kilala sa tawag na ‘Basaan Festival,’ ay taunang isinasagawa sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang sa kapista­han ni San Juan Bautista tuwing Hunyo 24.

vuukle comment

SAN JUAN CITY MAYOR GUIA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with