^

Metro

Kelot inutas sa loob ng kanyang bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinitignan ngayon ng pulisya ang anggulo ng selos sa pamamaslang sa isang jeepney driver makaraang pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagsasaksakin ng isang lalaki, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

 Nakilala ang nasawi na si Marvin Espinosa, 29, ng No. 64 Bisig ng Nayon Street, Brgy. 4 ng naturang lungsod.  

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na nakilalang si Philip Tumalad, 50, ng No. 143 Pili Street, Sangandaan Brgy. 8, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Caloocan City Police, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima kasama ang umano’y kaibigan na si Mary Joy Ramos dakong alas-4 ng madaling araw nang puwersahang pumasok ang suspek at agad na atakihin ang biktima sa harap ng babae.  Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak habang isinugod sa Caloocan City Medical Center si Espinosa ngunit nalagutan din ng buhay.

vuukle comment

MAN STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with