^

Metro

‘Akyat bahay’ nahulog sa ninakawang bahay, timbog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nahuli ng mga nagrorondang tanod ang isang miyembro ng ‘‘Akyat Bahay Gang’’ nang mahulog mula sa ikalawang palapag ng kanyang ninakawang bahay sa Quezon City, kahapon ng  madaling araw.

Bali ang magkabilang binti ng kawatan na si Ha-rold Ancero, 25, residente ng Makabayan St., Brgy.  Obrero sa lungsod.

Sinasabing halos hindi makalakad si Ancero nang mahuli  ng mga rumorondang tanod sa inakyat nitong bahay sa Parkway Street Brgy. Obrero Quezon City.

Ayon kay Melanie Florendo ang may-ari ng niloobang bahay naalimpungatan siya sa gitna ng mahimbing na pagtulog at nakita na lamang ang suspek sa loob ng kanilang kwarto.

Dahil sa malakas na pagsigaw ni Florendo kayat nataranta ang magnanakaw at nadulas sa terrace at kasamang bumagsak sa sementadong daan ang ninakaw na Samsung Experia cellphone na nagkakahalaga ng P15,000.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with