^

Probinsiya

Mag-asawang ret. guro kinatay, dinos por dos ng ‘akyat-bahay’

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang ret. guro kinatay, dinos por dos ng ‘akyat-bahay’
Kinilala ang mga biktima na sina Edwin Galeno, 81 taong gulang, at misis nitong si Elsa, 82-anyos.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Brutal ang sinapit na kamatayan ng mag-asawang retiradong guro matapos silang pagsasaksakin at pagpapaluin ng dos por dos ng mga hinihinalang “akyat-bahay gang” na pumasok sa kanilang tahanan sa Ba­nisilan, North Cotabato kama­kalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Edwin Galeno, 81 taong gulang, at misis nitong si Elsa, 82-anyos.

Sa ulat ng North Cotabato Provincial Police Office (PPO), nangyari ang pamamaslang sa mag-asawang senior citizen sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion 2, sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling araw.

Base sa imbestigas­yon, narinig pa ng kanilang mga kapitbahay na naalimpungatan sa pagkakatulog ang paghingi ng saklolo ng mag-asawang matanda na kapwa umiiyak pero natakot silang puntahan ang tahanan ng mga ito upang alamin kung ano ang nangyayari.

Kinabukasan ng umaga, inireport ng mga kapitbahay ng mag-asawa ang krimen sa mga awtoridad.

Nadiskubre naman ang bangkay ng mag-asawa na kapwa tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at maging sa kanilang ulo.

Narekober sa crime scene ang isang duguang patalim at isang piraso ng dos por dos o matigas na kahoy na ginamit sa pamamaslang sa mag-asawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at kabilang sa anggulo na sinisiyasat ay “pagnanakaw”.

ELSA

PPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with