^

Metro

Illegal terminal sa EDSA, bilang na ang araw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bilang na ang araw ng mga illegal terminal na nasa kahabaan ng EDSA na sakop ng  Quezon City.

Ito makaraang lagdaan na ni Quezon City  Mayor Herbert Bautista ang isang resolusyon na nagbabawal  sa mga pampublikong sasakyan na mag-terminal sa mga lote sa EDSA na hindi nila pag-aari ang lupa.

Sa ilalim  ng QC 2568-2017 na iniakda ni QC Councilor Alex Herrera, tanging ang mga pampasaherong sasakyan lamang na nakapangalan sa lot owners ang puwedeng  mag-terminal sa kahabaan ng EDSA.

Halimbawa na puwede at di apektado ng ordinansa   ay ang mga bus companies na may terminal sa EDSA na pagmamay-ari ng bus owners ang lupa ng terminal gaya ng JAC Liner, Jam Liner,Five Star,Baling at iba pa.

Bunga nito, bawal na at dapat nang alisin ang mga terminal na nangungupahan lamang sa mga lote na nasa kahabaan ng EDSA na ginagamit na terminal ng mga PUV’s.

Ang ordinansang nabanggit ay napapanahon umano para maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy  ng trapiko sa EDSA.

Ang terms and conditions sa ilalim ng naturang ordi-nance ay ipatutupad alinsunod sa itinatakda ng Quezon City Comprehensive Zoning Ordinance ng lokal na pamahalaan.

Sinasabing partikular na apektado ng ordinansa ang mga naglipanang terminal ng UV express van sa may  hagdan ng MRT North station-Trinoma, terminal sa sidewalk sa Munoz EDSA, terminal sa harapan ng Save More-Jacman sa EDSA Munoz, Cubao Farmers EDSA, LRT Balintawak EDSA at iba pa.

 

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with