^

Metro

Higit 12K QCitizens nabigyan ng free HIV test

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 12,402 na taga-Quezon City ang nakinabang sa isinagawang free HIV Test ng Quezon City Testing Center mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Bukod sa libreng HIV test, mayroon ding libreng condom, lubricant, at PrEP na naipamahagi sa mga nabanggit na bilang bahagi ng paggunita sa 2024 International AIDS Candlelight Memorial.

Ayon sa QC Health Department, ang free HIV testing ay regular na ginagawa sa walong Social Hygiene Clinics at Sundown Clinics sa lungsod.

Nagsasagawa rin ang QC LGU ng mga outreach activities sa mga komunidad upang mas mapalapit at maging accessible ang HIV testing sa mga mamamayan bukod sa pagkakaroon ng malawakang HIV tes­ting week at awareness sa buong QC sa pakikipag-partner sa mga pribadong kumpanya at mga paaralan, lalo na kapag may mga nalalapit na HIV/AIDS-related events.

Bukod rito, nagbibigay na rin ang QC LGU ng libreng HIV self-test kits sa pamamagitan ng SelfTest Xpress, kung saan maaa­ring mag-register ang mga kliyente at libreng ipadadala ang HIV self-test kits para sa mga nahihiya o walang oras para pumunta sa mga nabanggit na klinika.

Ang sinumang may katanungan ay maaa­ring makipag-ugnayan sa Facebook Page ng QC Service Delivery Network+ o tumawag sa mga sumusunod na numero: 8703-2759 8703-4398 0999-229-0751 8988-4242 local 1609.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with