^

Metro

Tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malapit nang umabot sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam kahapon ng umaga, batay sa tala ng Pagasa.

Sa update ng PAGASA Hydromet Division, alas-8 ng umaga kahapon, nabawasan pa ng 30 metro ang water level ng Angat dam kaya nasa 181.85 meters na lamang ang water level nito.

Nasa higit isang metro na lamang ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.

Bukod naman sa Angat dam, natapyasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam sa San Roque at Magat, at Caliraya dam. Ayon sa Pagasa, hindi pa sapat ang mga pag-ulan na nararanasan sa ngayon sa may watershed ng dam para tumaas ang water level dahil ang tubig na dala ng ulan ay kinakain lamang ng tuyot na lupa na epekto ng El Niño phenomenon.

vuukle comment

ANGAT DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with