^

Metro

Ina ng Maute terrorists, hinatulan ng 17-40 taong pagkakakulong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatunayang “guilty” ng mababang korte sa paglabag sa Section 4 of Republic Act 10168 o “The Terrorism Finan­cing Prevention and Suppression Act of 2012 si “Farhana Maute”, isang high value target financier at ina ng mga miyembro ng “Maute terrorist group” sa Marawi City.

Sa 39-pahinang desisyon na nai-promulgate nitong Miyerkules, Mayo 15, 2024, idineklarang “guilty beyond reaso­nable doubt” ng Regional Trial Court (RTC) Branch 266, Taguig City si ­Ominta Romato Maute alyas “Farhana Maute”.

Sa record ng ­korte, noong Hulyo 29, 2016, ipinagamit ni Ominta ang kaniyang Toyota Innova na may Conduction Sticker No. YM6499, Engine Number 2KDS487239 at Chassis No. KUN405120908 sa limang terorista na sina Mohammad Khayam Romato Maute, Omar Khayam Romato Maute, Abdullah Romato Maute, Mahater Romato Maute at Najib C. Pundug.

Sa parehong petsa, nasabat ng mga awtoridad ang nasabing sasakyan na nakarehistro kay Farhana at nakatakas ang mga sakay, subalit nasamsam ang ilang Improvised Explosive Devices (IEDs) sa loob nito.

Bago nito, si Farhana at ang nabanggit na limang terorista ay gumawa ng serye ng “sa­vage and inhumane acts” kabilang ang kidnapping at pamumugot ng ulo sa mga sibilyan sa Lanao Del Sur mula Abril 4 hanggang 10 ng 2016.

Kinasuhan ng korte si Ominta para sa “Terrorism Financing” makaraang bukas siyang ipagamit ang Toyota Innova na nakarehistro sa ilalim ng kanyang pangalan, sa mga kilalang te­rorista na naghahasik ng karahasan.

“After a judicious review of the records and evidence of this case, the Court finds that the prosecution was able to prove the elements of the crime of terrorism finan­cing,” saad sa desisyon ni Judge Marivic C. Vitor.

Pinuri naman ni Justice Secretary Remulla ang prosecution panel na naging matapang at masigasig na isulong ang kaso para sa tagumpay na maipa-convict ang nasabing terorista.

vuukle comment

MARAWI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with