^

Metro

Ilang sugatan sa procession ng Nazareno

WRY BREAD - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ilang sugatan sa procession ng Nazareno
Libong deboto ang sumali kahapon sa thanksgiving procession ng Itim na Nazareno bilang paghahanda sa pista ng Quiapo sa darating na Enero 9.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki na kinuyog habang may ilan din ang nasugatan nang mahulog sa gutter ng karo dahil sa pagtutulakan at siksikan sa idinaos na Thanksgiving Procession ng Poong Nazareno, ng Minor Basilica Church sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na nagsimula ang prusisyon bandang alas-2:22 ng madaling araw  mula sa simbahan na dinaluhan ng may 5,000 deboto.

Nang pagsapit sa Claro M. Recto Avenue ay nahulog sa gutter ang isang gulong nito na nagresulta rin sa pagkakasugat at pagkakaipit ng ilang deboto.

May mga nahilo, nasak­tan at nasugatan din naman dahil sa pagtutulakan at pagsisiksikan ng mga deboto na nais makalapit at makahipo sa imahe ng Nazareno na nagreresulta upang bumagal ang usad nito.

Nabugbog naman ng mga Hijos De Nazareno at iba pang deboto ang biktimang si Jonathan Macaraig nang mapagbintangan umanong siya ang dahilan o pasimuno  ng pagtutulakan.

Dismayado naman si Macaraig sa nangyari dahil normal namang nagkakagitgitan ang mga deboto kapag prusisyon.

Nagpatulong si Macaraig at ang iba pa niyang kasamahan sa mga nakabantay na pulis para arestuhin ang mga debotong nanakit sa kanya.

vuukle comment

POONG NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with