^

Metro

Quezon City gagawing tourist destination

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ng Quezon City government na higit pang mapalawak ang oportunidad sa turismo sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga college students hinggil sa pagkakaroon ng  bagong botanical garden, zoological park at oceanarium sa lungsod.

 Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, ang UP Diliman na may sobrang lawak ng lupain ay maaaring pasyalan at gamiting informal incursions na maaari ring lugar para sa paglalagay ng bagong pasilidad na maaa­ring gawing  bagong tourist attractions sa Metro Manila.

Dagdag pa anya dito na ang lugar ay maaaring mapaganda pa bilang learning facilities  para sa mga mag- aaral ng UP tungkol  sa  botany, zoology at marine biology.

“ Putting up such projects can be the result of a local government partnership with the university and private investors capable of deve­loping world-class attractions that are environmentally and economically sustainable” dagdag ni Bautista.

Sinabi pa nito na ang hakbang ay isang paraan na rin ng lokal na pamahalaan na ma-preserve ang UP Arboretum  na ngayon ay  pinamumugaran na ng mga squatters kung saan marami ang napuputol na puno dito.

Kaugnay nito, inatasan din ni Bautista ang City Planning and Development Office  na makipag- ugnayan kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, ang city’s tourism czar upang mabigyang daan ang planong development sa naturang lugar.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with