Matinding traffic sa Parañaque, inabiso ng Maynilad
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Maynilad Water na iwasan na ng mga motorista ang inaasahang matinding traffic sa may Dr. A. Santos Avenue sa Parañaque dahil sa gagawing sewer network project doon mula April 11.
Ayon sa Maynilad, maglalagay sila sa naturang lugar ng sewer pipes—na may diameter sizes mula 350mm hanggang 1,350 mm sa kahabaan ng west-bound side (Baclaran-bound) ng Dr. A. Santos Ave., mula sa kanto ng Soreena Ave. (Shopwise) hanggang sa kanto ng C.P. Garcia Extension (SM Sucat).
Sa panahong ito, isa sa tatlong west-bound lanes sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue ay sarado sa trapiko pero dalawang lanes lamang ang bukas naman sa gabi.
May nakatalaga namang mga traffic enforcers sa lugar na maaring umayuda sa sitwasyon sa lansangan.
Magagamit naman doon ang u-turn slots kapag kailangan nang isara ang intersection.
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin na lamang ang mga alternate routes para di maabala sa traffic.
- Latest


















