^

Metro

30 bahay natupoksa sunog

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilamon ng apoy ang may 30 kabahayan sa naganap na sunog sa Area 7 sa Luzon Avenue, Barangay Pasong Tamo, Quezon City na nagsimula alas-10 ng umaga kahapon.

Sinasabing mabilis na  kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang marami sa  magkakatabing mga bahay sa nabanggit na lugar.

Mabilis namang nakalikas ang mga residente sa mas ligtas na lugar gayun­man ay hindi na nila nai-salba ang kanilang mga gamit.

Alas-12:03 ng tanghali kahapon nang ideklara ng QC Fire Department na under control na ang naturang sunog na naapula ganap na alas-12:41 ng tanghali.

Sinabi ni QC Fire Ope-rations Chief Maj. Aristotle Banyaga, binubusisi nila ang report na mula sa bahay ng pamilya ng isang Shirley Ragot nagsimula ang sunog.

Wala namang nasugatan sa insidente at patuloy na  inaalam  ang ugat ng sunog at halaga ng nalamon ng apoy.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with