^

Metro

Ultra bus, pinagmulta ng P3-M ng LTFRB

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pamamasada ng walang permit, pinagmulta ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  ng P3 milyon ang United Land Transport and Bus Company (Ultra bus).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB, maliban sa multa ay kinansela rin ng ahensiya ang operasyon ng sampung mga units nito dahil sa pagbiyahe noong Pasko ng walang Special Permit.

Sinasabing tatlong unit ng Ultra bus ang  bumiyahe noong Disyembre ng walang kaukulang permiso na may pla­kang  AAI-9134 AAI-9133 at AAI-9130.

Nadiskubre ng LTFRB ang diskarte ng naturang kompanya makaraang magsagawa ng surprise inspection ang grupo ni Inton alinsunod sa kanilang ‘Oplan Krismas’.

Samantala, isa pang bus ng  WEGA Transport Corp.  ang pinagmulta rin ng P1 milyon  dahil naman sa pagbiyahe sa labas ng kanilang ruta na maitutu­ring na ang operasyon nito ay kolorum.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with