^

Metro

LTFRB nilusob ng taxi operators, drivers

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumindi ang trapik kahapon sa kahabaan ng East Avenue Quezon City nang lusubin ng mga tsuper at operator ng taxi ang unahang gusali ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kahapon ng umaga.

Ayon kay Jun Magno, presidente ng Stop and Go transport group, ang protesta ay upang iparinig sa LTFRB ang kanilang matinding pagtutol sa ginawang desisyon ng tanggapan na maibaba sa P30 ang flagdown rate sa taxi, gayundin ang singil sa suceeding kilometer at waiting time sa pamamasada ng taxi unit sa buong bansa partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni Magno na hindi makatwiran at hindi katanggap tanggap sa kanilang hanay ang pagbababa ng LTFRB sa pasahe sa taxi dahil kahit bumaba ang presyo ng gasolina,hindi naman bumababa ang halaga ng spare parts, bayarin sa LTO at LTFRB gayundin ng maintenance fee.

Bukod anya sa mga hindi bumababang halaga ng mga bayarin, higit pang lumiit ang kita ng mga driver ng taxi ngayon dahil sa epekto sa kanilang pamamasada ng matinding trapik sa mga lansangan sa Metro Manila.

“Sobra na itong pasakit sa mga driver, wala na ngang naitutulong ang gobyerno ay dinagdagan pa ang problema sa pagbaba ng kita ng mga driver ngayon, halos konti na lang ang take home pay ng mga driver ngayon “dagdag ni Magno.

Sa ngayon ay may mahigit 25,000 ang taxi unit na pumapasada sa Metro Manila na naa­apektuhan din umano ng operasyon ng mga Grabtaxi at Uber taxi na wala namang mga prangkisa. 

Dahil anya sa kapabayaan ng LTFRB sa kanilang kalagayan ay ginigiit ng samahan na tanggalin na agad sa lalung madaling panahon si LTFRB Chairman Winston Gines sa kanyang puwesto at huwag nang hintayin pa na palitan ito ng susunod na administrasyon.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with