^

Metro

Lider ng NGO, itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang foun-der at president ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers Organization (BOFWO), isang non-government organization para sa mga Christian at Mus-lim, nang barilin ng isang lalaki habang naglalakad mula sa Islamic mosque  sa Baseco compound, Port Area, Maynila, kahapon ng hapon.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang kinilalang si Guro Nasra Onsok, 46, residente ng Block 14, Baseco compound habang ang natamaan ng  ligaw na bala sa hita na kinilalang si Zaldy Ramirez, 58, foreman-contractor ng Oncina Costruction Corp., residente ng Indang, Ca-vite City.

Nakapiit na sa Manila Police District-Homicide Section detention faci-lity ang suspek na kinilalang si Mark Cantutay, 32, glass installer ng Block 32, Phase 2, Navotas City.

Sa ulat ni SPO2 Jo­nathan Bautista dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Block 14, Baseco, Port Area habang naglalakad umano ang biktima na kagagaling pa lamang uma-no sa panalangin mula sa kanilang mosque, nang biglang asintahin sa ulo ng nag-aabang na suspek.

Dahil sa nasaksihan ng mga residente, nagtulung-tulong silang habulin at kuyugin ang suspek.

Dahilan ng suspek, iginanti lamang umano niya ang isang kaanak na binuhusan umano ng biktima ng mainit na tubig. Nagawa pa umano niyang mag-ipon ng pera kaya nakabili ng kalibre .45 baril na ginamit sa krimen.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na may mas malalim na motibo sa krimen.

Gayundin ang paniniwala ng mga kasamahan ng biktima sa BOFWO dahil hindi umano nila kakilala ang suspek at walang kinalaman ito sa kanilang relihiyon.

vuukle comment

ANG

BANGSAMORO OVERSEAS FILIPINO WORKERS ORGANIZATION

BASECO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GURO NASRA ONSOK

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARK CANTUTAY

NAVOTAS CITY

ONCINA COSTRUCTION CORP

PORT AREA

ZALDY RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with