^

Metro

Preso sa MCJ kinuryente ang sarili, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 38-anyos na preso ang natagpuang patay at sinasabing sinadyang  magpakuryente sa live  wire sa loob ng kubol sa Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Patuloy pang iniimbestigahan ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section ang insidente umano ng pagpapakamatay ng presong kinilalang si Gregorio Trinidad, nahaharap sa kasong possession of illegal drugs.

Sa inisyal na ulat mula kay Jail Officer 3 Jose Rodzon, dakong alas-10:00 ng gabi nang madiskubre ng isang Sonny Tazarte, hepe ng Culturero o taga head count ng Selda 1, na kulang ng isa ang inmates kaya hinanap ito kung saan nadiskubre na walang malay at nakaupo sa loob ng kubol habang ang dalawang paa ay nakakapit sa live wire.

Nabatid din sa ulat ni Rodzon, na ilang inmates umano ang nakapansin sa madalas na pagsasalitang mag-isa ng biktima at nabuburyong umano ito sa loob ng piitan.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insi-dente upang matukoy kung nagkaroon ng foul play sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CRUZ

CULTURERO

GREGORIO TRINIDAD

JAIL OFFICER

JONATHAN BAUTISTA

JOSE RODZON

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SONNY TAZARTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with