^

Metro

2 tinarakan dahil sa tinginan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang sales agent matapos saksakin ang mga ito ng isang lalaki na nakatinginan lamang ng mga biktima habang ang mga ito ay nag-iinuman kamaka-lawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan sina Isidro Bigaso, 20 at Roberto Camposano, 24, kapwa sales agent ng Gardenia at parehong nakatira sa Block 14, Lot 32, Phase 2, Urbanville Subdivision, Barangay Talon 3 ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa “alias Buboy”, nasa hustong gulang.

Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Jemar Mo-dequillo, Officer-In-Charge (OIC) ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa isang canteen sa harapan ng SM South Mall, Alabang-Zapote Road, Barangay Almanza 1 ng naturang lungsod.

Habang nag-iinuman ang mga biktima kasama ang kanilang grupo ay napadaan ang suspek na kasama naman ang kanyang grupo.

Nagkatinginan ang suspek at mga biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo at dito bumunot ng patalim ang suspek at walang salitang inundayan nito ng saksak ang mga biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek at ang mga biktima naman ay kaagad na dinala ng kanilang mga kasamahan sa naturang ospital. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at nagsasagawa pa ng follow-up laban sa suspek.

 

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ANG

ATILDE

BARANGAY ALMANZA

BARANGAY TALON

CITY POLICE

ISIDRO BIGASO

JEMAR MO

LAS PI

MEDICAL CENTER

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with