^

Metro

Tomboy naglason dahil sa selos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang sinasabing tomboy makaraang tumungga ng botelya ng silver cleaner dahil sa umano’y matinding selos, kahapon ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Rea Zapanta, 23, dalaga, walang trabaho, at residente ng Velasco Street, Brgy. 7 Sangandaan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na bumubula ang bibig sa loob ng bahay nito. Nabatid sa imbestigasyon na unang nakipag-inuman ang nasawi sa umano’y karelasyon nito na si Rose Maine Maninang, 21, isang dancer sa nightclub, at iba pang mga kaibigan sa loob ng bahay ni Zapanta.

Nang malasing na, bigla umanong pinagselosan ng biktima ang isang kainumang lalaki hanggang sa umalis ito sa umpukan at lumaklak ng lason. Huli na nang madiskubre ng mga ka­inuman ang katawan ng biktima at natagalan na maisugod ito sa pagamutan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CALOOCAN CITY

HULI

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

NABATID

NANG

REA ZAPANTA

ROSE MAINE MANINANG

VELASCO STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with