^

Metro

24 arestado sa drug raid

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 24 ka­tao makaraang sa­la­kayin ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region-Special Operation Task Group (NCRPO-SOTG) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang kubol na ginagawang drug den sa lungsod kahapon ng hapon.

Ayon kay Chief Insp. Robert Razon, hepe ng NCRPO-SOTG, ang pag­salakay ay ginawa sa may kahabaan ng Palawan St., kanto ng Pampanga St., Barangay Sto Cristo, ganap na alas 2:30 ng hapon.

Isinagawa anya ang one time bigtime ope­ration katuwang ang tropa ng QCPD station 2 sa pamumuno ni Supt. Christian Dela Cruz base sa impormasyon hingil sa talamak na bentahan at paggamit ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Sa 24 na naaresto 10  sa mga ito ay babae ha­bang 14 ang lalaki na pina­niniwalaang sangkot sa paggamit ng iligal na droga.

Nasamsam sa lugar ang may 66 piraso ng plastic sachet ng shabu, patalim at mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong pag­labag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY STO CRISTO

CHIEF INSP

CHRISTIAN DELA CRUZ

DRUGS ACT

NATIONAL CAPITAL REGION-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

PALAWAN ST.

PAMPANGA ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with