^

Metro

Tanod todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng kanyang misis ang isang barangay tanod ng dalawang hindi nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan rin ng buhay ang 39-anyos na si Virgilio Santiago, ng Block 14 C3 Road, Pama Sawata, ng naturang lungsod.

Sa ulat, katatapos lang  ng biktima at ng kanyang misis na si Rezaida na mag­pakain ng mga alagang baboy at manok nang magdesisyon na tumambay kasama ang ilang kapitbahay sa may Block 15.

Dito sumulpot ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo at pagbabarilin  ang biktima saka mabilis na tumakas tungo sa direksyon ng Navotas City.

Bigo naman ang mga tauhan na agad na makarespon-de at masakote ang mga salarin. Hinihinala na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang tanod ang naturang pamamaril.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIGO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

DITO

HINIHINALA

ISINUGOD

NAVOTAS CITY

PAMA SAWATA

VIRGILIO SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with