^

Metro

Obrero humabol sa Undas, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala ng umano’y labis na kalungkutan dulot ng pag-iisa sa buhay, ipinasya ng isang construction worker na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang tirahan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay SPO2 Cris Zal­darriaga, may hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Juancho Along, 27, ng Kasunduan Extension, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Sabi ni Emily Praga, kapitbahay ng biktima, nag-iisa lamang anyang nakatira ang huli sa kanyang tinutuluyan kung saan   madalas anya niyang nakikita itong malungkot at balisa.

Kaya naman nagulat anya si Praga nang ganap na alas- 3:30 ng hapon nang puntahan niya ang biktima sa bahay nito para bigyan ng pagkain ay hindi ito sumasagot sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtawag at pagkatok sa pintuan.

Dahil dito, nagpasya na umano si Praga na puwersa­hing buksan ang pinto kung saan tumambad sa harap niya ang walang buhay na nakabigting katawan ng biktima gamit ang  tali ng sapatos na ipinalupot sa kanyang leeg, saka itinali sa kisame.

Agad na ipinabatid ni Praga sa barangay ang insidente na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

Samantala, ayon sa im­bes­tigador kinokonsidera na umano nilang tapos na ang pagsisiyasat sa kaso dahil sa paglagda ng waiver ng kaanak nito na huwag ng im­bestigahan pa sa paniwalang nagpakamatay nga ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CRIS ZAL

DAHIL

DALA

EMILY PRAGA

JUANCHO ALONG

KASUNDUAN EXTENSION

PRAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with