^

Metro

Dahil lamang sa titig, obrero kritikal sa adik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang  isang obrero matapos itong pagtripang saksakin ng lalaking bangag sa droga na nakatinginan lamang nito sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa likod ang biktima na nakilalang si Manny Malupa, 30,  ng Area 4, Dalagang Bukid ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas Arjay, taga - Malabon City.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Noli Dait, ng Navotas City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa  Block 26, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo sa nasabing lugar nang makatinginan nito ang bangag sa droga  na suspek hanggang sa nilapitan siya nito.

Walang salitang sinaksak ang biktima ng suspek at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Habang ilang nakasaksi naman sa insidente ang nagdala sa biktima sa naturang pagamutan.

vuukle comment

AGAW

ANG

DALAGANG BUKID

MALABON CITY

MANNY MALUPA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NBSP

NOLI DAIT

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with