^

Metro

Acting Mayor Peña, sasabak na sa pagka-alkalde sa Makati

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain na rin kahapon ng umaga ng certificate of candidacy (COC) sa Commission of Election (COMELEC) para tumakbong alkalde sa 2016 si Makati Acting Mayor  Romulo ‘Kid’ Peña. Alas-11:00 ng umaga nang mag-file ng COC sa Makati City,  COMELEC si Peña.

Ang kanyang bise alkalde ay ang anak ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na si Marie Jane “Carla” Pascual Mercado at ang mga congressman naman nito  sa unang distrito ay si Miko Garcia at sa ikalawang destrito ay si Israel “Boyet” Cruzado, konsehal at dating kaalyado ng mga Binay.

Nabatid, na bago nag-file ng COC si Peña ay dumalo muna ito sa kanyang State of City Address (SOCA) alas-9:30 ng umaga na isinagawa sa Makati Coliseum kung saan binigyang diin nito ang pagpapabuti ng serbisyo publiko, transparency, dagdag benepisyo sa mga matatanda at universal insurance­ sa lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod ng Makati.

 

vuukle comment

ACIRC

ATILDE

COMMISSION OF ELECTION

MAKATI ACTING MAYOR

MAKATI CITY

MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MAKATI COLISEUM

MARIE JANE

MIKO GARCIA

PASCUAL MERCADO

STATE OF CITY ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with