^

Metro

1,000 PNP na-promote, ilan pinarangalan pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahigit sa 1,000 pulisya ang na-promote at ang ilan dito ay binigyan ng para­ngal ng National Capital­ Re­gional Police Office (NCRPO) upang mapataas ang moral ng mga ito.

Pinangunahan ni NCRPO Acting Director, Police Chief Supt. Joel D. Pagdilao, ang panunumpa ng mga pulis na na-promote, na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Ta­guig City.

Bukod sa tinanggap na promotion, binigyan din ng parangal ang mga pulis na nakaresolba ng malalaking krimen, tulad ng Medalya ng Kagitingan, na tinanggap ng ilang pulis na nakatalaga sa Masambong Police Station, ng Quezon City Police District (QCPD) matapos nilang madakip ang isang most wanted person na si Chistian Telin, na sangkot sa ilang robbery-hold-up sa naturang lugar.

Gayundin tumanggap din ng parangal ang ilang pulis na nakatalaga sa Jose Abad Santos Police Station, Manila Police District (MPD) matapos nilang madakip si Ronald Salvador, na sangkot naman sa nakawan sa Maynila sa bisa ng warrant of arrest at pinaigting na “Oplan Lambat Sibat”.

 

vuukle comment

ACIRC

ACTING DIRECTOR

ANG

CAMP BAGONG DIWA

CHISTIAN TELIN

JOEL D

JOSE ABAD SANTOS POLICE STATION

MANILA POLICE DISTRICT

MASAMBONG POLICE STATION

NATIONAL CAPITAL

OPLAN LAMBAT SIBAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with