^

Metro

Beep cards, mabibili na sa 5 istasyon ng MRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaari nang makabili ng mga bagong beep cards ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang mga pasahero sa limang istasyon nito.

Ayon sa private concessionaire, na AF Payments, sinimulan na nila kahapon ang pre-selling ng contactless cards sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Blvd, Ayala at Taft Avenue bilang­ antisipasyon sa nala­lapit na paggamit ng beep card sa MRT-3 sa Oktubre 3.

Isinagawa ang pre-selling alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi kahapon.

Ang mga tindera ng beep cards ay nakapwesto  ma­lapit sa booth ng mga teller.

Ang mga beep cards ay nagkakahalaga ng P100, kasama ang card fee na P20 at lamang load na P80.

Maaaring magamit ang stored value beep card sa loob ng apat na taon mula sa panahong binili ito.

Dumagsa naman kaagad ang mga commuters na bumibili ng beep card upang makaiwas sa mahabang pila sa sandaling magsimula na ang paggamit ng beep card sa MRT-3 sa susunod na buwan.

Bagamat hindi pa pwedeng gamitin sa MRT 3 ang beep cards, maaari naman na itong gamitin sa line 1 at 2 ng Light Rail Transit.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYALA

AYON

BEEP

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

MGA

NORTH AVENUE

SHAW BLVD

TAFT AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with