^

Metro

Iniwan ng nobya, driver nagbigti

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Winakasan ng isang driver ang kanyang buhay nang magbigti ito sa loob ng kanyang banyo sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon  ni SPO1 Wilfredo Balderama ng Manila Police District PS 3 ang bangkay ni Chris­topher Dumpa, 24, ng Felix Huertas St., Sta. Cruz Maynila ay na­tagpuan ng kanyang pamang­kin na si Joyce, 11, dakong alas-12:35 ng madaling-araw.

Nagtungo si Joyce sa banyo subalit bumulaga sa kanya ang tiyuhin na nakabitin.

Agad niyang ipinagbigay alam sa kanyang lolo na si Edison Dumpa, 57, ang nasabing insidente at kaagad ipinagbigay alam sa pulisya.

Batay sa pagsisiyasat, posibleng dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanya ng girlfriend at pagsama nito sa ibang lalaki.

Tumanggi naman ang pamilya na imbestigahan pa ang insidente dahil wala naman umanong foul play dito.

vuukle comment

AYON

BATAY

CHRIS

CRUZ

CRUZ MAYNILA

EDISON DUMPA

FELIX HUERTAS ST.

MANILA POLICE DISTRICT

WILFREDO BALDERAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with