Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo
MANILA, Philippines – Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo sa kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito.
Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell, nagpatupad ito ng dagdag presyo ng kanilang gas, na nasa P0.15 kada litro.
Samantala, nagbawas naman ng presyo sa kanilang diesel o krudo na nasa P0.40 kada litro at kerosene, na nasa P0.80 litro.
Ang dagdag-bawas presyo ay nag-epektibo alas-12:01 kagabi.
Sa ngayon ay wala pa namang abiso ang ilang oil companies hinggil sa pagpapatupad ng dagdag-bawas presyo ng kanilang produkto.
Ganitong halaga rin ang ipinatupad ng Petron.
Ang pagpapatupad nang dagdag-bawas presyo ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa world market.
- Latest