^

Metro

Dating traffic enforcer, lasog sa truck

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang isang dating traffic enforcer matapos itong salpukin ng isang truck habang lulan ang una ng kanyang motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang biktimang si Wilfredo Eisma, 37, residente ng Block 35, Lot 6, Manolo Compound, Brgy. Dalandanan ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong  pinsala sa ulo at katawan.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Joseph Legaspi, 26.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Hanival Pariñas, ng Valenzuela City Traffic Bureau,  naganap ang insidente  alas-2:45 ng madaling araw sa harapan ng Caltex Gasoline Station na matatagpuan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Nabatid na galing ang biktima sa inuman kung saan ay ipinagdiwang nito ang kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan at nang matapos ang kasiyahan ay nagpasya nang umuwi ito.

Habang binabagtas  nito ang naturang lugar sakay ng kanyang minamanehong Honda Dazz (7632-XY),  nang bigla na lamang itong salpukin  ng isang Fuso Tractor Truck (TMK-NUM-322), na ang driver­ naman ay si Legaspi.

Tumilapon si Eisma at humambalos ang katawan sa sementadong kalsada na nagulungan pa ng na­turang truck.

vuukle comment

BRGY

CALTEX GASOLINE STATION

FUSO TRACTOR TRUCK

HANIVAL PARI

HONDA DAZZ

JOSEPH LEGASPI

MANOLO COMPOUND

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with