^

Metro

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang isang tricycle driver at rumespon­deng security guard sa balang pinakawalan ng isang hindi pa kilalang gunman  sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Unang biktima ng pa­mamaril ang isang Fernando Gloria, 52, tricycle driver, na hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital dahil sa tinamong bala sa ulo.

Dead-on-the-spot naman dahil sa bala na tinamo sa dibdib ang security guard ng Pinoy Lodge na si Justino Garredo Jr., 39, ng Hawk Security Agency at naka­talaga sa nasabing motel na matatagpuan sa Moriones St., Tondo, Maynila.

Sugatan naman dahil sa ligaw na bala ang kahera ng hotel na si Marieta Padilla, 45, dalaga.

Kabilang sa hawak na ebidensiya ng Manila Police District Homicide Section ang closed circuit television (CCTV)  footage  ng nasabing motel, kung saan natungha­yan ang hitsura ng suspek  at ang kaganapan.

Inilarawan ang hindi pa kilalang gunman sa edad 25 hanggang 30, 5’5’’ ang taas, payat, nakasuot ng bull cap, sleeveless shirt  na may kumbinasyong puti at itim,  shortpants na puti na armado ng 9mm kalibreng baril.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla kay Homicide chief, Insp. Steve Casimiro, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang na­sabing insidente sa bisinidad ng Pinoy Lodge.

Sa inisyal na imbestigas­yon, natutulog sa kanyang ipi­napasadang tricycle ang biktimang si Gloria nang  malapitang barilin sa ulo ng suspek at mabilis na nagtatakbo papasok sa naturang hotel na katapat lamang ng Pinoy Lodge sa Plaza Moriones.

Nasaksihan naman ng sekyu ang ginawang pa­­ma­maril ng suspek kaya  hinabol ito at pinaputukan ng tatlong ulit gamit ang 38 kalibreng pistola subalit hindi   tinamaan ang suspek hanggang sa makapagkubli ang suspek at nang makatiyempo ay niresbakan ng putok ng baril ang sekyu.

Nakatakas ang suspect bitbit ang ginamit na baril sa krimen maging ang service firearm ng napatay niyang guwardiya.

vuukle comment

DENNIS TURLA

FERNANDO GLORIA

HAWK SECURITY AGENCY

JUSTINO GARREDO JR.

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARIETA PADILLA

PINOY LODGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with